Residential area sa Cavite tinupok ng apoy; 300 kabahayan naabo

Bacoor DRRMO

Limandaang pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na tumupok sa halos 300 kabahayan sa Barangay Maliski 1, sa lungsod ng Bacoor sa Cavite.

Ayon sa hepe ng Cavite Bureau of Fire Protectin (BFP) na si Superintendent Aristotle Bañaga, sumiklab ang sunog bandang alas-6:51 ng gabi sa bahay ng isang Jayson Miranda.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar, dahilan upang mabilis na kumalat ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Walang naitalang nasugatan dahil sa pagliliyab, ngunit tinatayang aabot sa P1.5 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Read more...