Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang taong plano para pondohan ang P300 bilyon na modernisasyon ng militar.
Ayon sa Department of National Defense (DND), may go signal na ang pangulo para bumili ng bagong kagamitan gaya ng fighters, drones, light tanks, at radar.
Gayundin ang dagdag na frigate at ang unang submarine ng Philippine Navy.
Layon ng hakbang na palakasin ang kakayahang pandepensa ng bansa.
Inaprubahan ng pangulo ang modernization plan sa pulong sa mga opisyal ng ahensya at ng militar.
Kabilang dito ang 33 modernized projects na naka-sentro sa domestic security at proteksyon ng malawak na maritime borders ng bansa. /
MOST READ
LATEST STORIES