5 terminal ng bus sa Pasay ipinasara ng MMDA

Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 5 bus terminal sa Pasay City dahil sa paglabag sa “nose in-nose out” policy para sa mga transport vehicles.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, naglabas sila ng closure order para sa mga terminal na pag-aari nina Maria Victoria Transit, St. Jude O Peñafrancia Transport Inc., A. Aranda Line, Bobis Transit, at RMB Transport System dahil sa kawalan ng permit at paglabag sa nasabing polisiya.

Sa ilalim ng “nose in-nose out” policy, dapat pumasok at lumabas ang bus sa terminal na nauuna ang unahang bahagi ng sasakyan.

Ibig sabihin, dapat magmaniobra ang driver sa loob ng bus terminal.

Ang hindi pagsunod sa polisiya ay nagreresulta sa pagkabalam ng daloy ng trapiko sa paligid kung saan naroon ang bus terminal.

Bukod dito, sinita rin ng MMDA ang hindi maayos na banyo, ventilation, mga upuan at waiting area gayundin ang ramp para sa persons with disabilities (PWDs) sa terminal ng limang bus companies.

Read more...