Bibili na ang Pilipinas ng kauna-unahan nitong diesel-electric submarines bilang bahagi ng kapabilidad ng militar sa gitna ng problema sa seguridad sa rehiyon.
Ayon kay Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong, ang pagbili ng mga submarines ay inilagay na nila sa Project Horizon 2 mula sa Project Horizon 3.
Ang mga proyekto sa ilalim ng Horizon 2 ay ipapatupad mula 2018 hanggang 2022 habang ang Horizon 3 projects ay tatakbo mula 2023 hanggang 2028.
Sinabi ni Andolong na ibig sabihin nito ay magiging bahagi na ang Pilipinas sa eksklusibong grupo ng mga bansa na may mga submarines.
Pero hindi agad sinabi ng DND official kung ilang submarines ang bibilhin ng bansa pero kumpirmadong mahigit ito sa isa.
MOST READ
LATEST STORIES