Ex-PNoy pinakakasuhan na ng Ombudsman kaugnay sa maanomalyang DAP

Nakakita si Ombudsman Conchita Carpio Morales ng probable cause para kasuhan sa Sandiganbayan si dating Pangulong Noynyy Aquino dahil sa implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Si Aquino ay nahaharap ngayon sa kasong Usurpation of Legislative Powers sa ilalim ng Article 239 of the Revised Penal Code (RPC)

Sa resolusyon na pinirmahan ng Ombudsman noong June 14, 2018, kinatigan nito ang apela ang motion for reconsideration ng mga complainant na sina Carlos Isagani Zarate, Renato Reyes, Benjamin Valbuena, Dante LA Jimenez, Mae Paner, Antonio Flores, Gloria Arellano at Bonifacio Carmona, Jr sa unang desisyon ng Ombudsman na nagaabswelto sa dating pangulo.

Sa parehong resolusyon, hindi nito pinagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni dating  Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad at nagpapatibay sa una nitong desisyon na kasuhan ang kalihim sa parehong kaso.

Ang reklamo ay nag-ugat sa umanoy iligal ba pag iisyu ng National Budget Circular (NBC) No. 541 na nagpapatupad sa DAP na nagkakahalaga ng P72 Billion.

Ayon sa resolusyon, sadyang pinakialaman nina Aquino at Abad ang kapangyarihan ng kongreso nang palawigin nito ang depinisyon ng savings para pondohan ang mga programa at aktibidad sa ilalim ng DAP.

Read more...