200 pari nag-apply ng lisensya at permit to carry firearms sa PNP

Inquirer file photo

Higit 200 pari at iba pang opisyal ng ilang religious groups ang nag-apply sa Philippine National Police ng lisensya para sa kanilang mga bibilhing baril.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kabilang dito ang 246 ang naghain ng permit to carry firearms sa labas sa kanilang bahay.

Sa bilang na ito, 188 ang pari, habang ang 58 ay mga ministro, pastor at preacher.

Sakop ng datos na ito ang mga request bago pa man bawiin ang gun ban noong Mayo.

Sinabi ni Albayalde na pag-aaralan nila ang kanilang mga datos kung dumami ba ang bilang ng mga paring humiling ng permit to carry firearms.

Sa nakalipas na anim na buwan ay tatlong pari ang namatay makaraan silang tambangan sa magkakahiwalay na lugar sa bansa ayon sa tala ng PNP.

Read more...