Sugar-based juices at beverages dapat may health warning ayon kay Pangulong Duterte

Pinalalagyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng health warning ang mga sugar-based juices at beverages tulad ng health warning na nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, nais ng pangulo na mabigyan ng babala ang mga consumer sa masamang epekto ng sobrang asukal sa katawan.

Dapat aniyang ilagay sa harapan ng mga produkto ang health warning para agad na mabasa at makita ng mamimili.

Ayon kay Lopez, maipatutupad ang health warning sa susunod na buwan o di kaya sa buwan ng Agosto.

Sa ilalim ng TRAIN Law ay papatawan ng P6 per liter na excise tax ang mga sugar-sweetened beverages gayundin ang mga carbonated beverages, sports at energy drinks habang P12 per liter naman sa mga drinks na may high-fructose corn syrup habang ang 3-in-1 coffee at gatas ay exempted naman sa excise tax.

Nakapaloob sa TRAIN Law na dahil sa mataas content ng sugar sa nasabing mga inumin ay nagiging dahilan ito para sa type 2 diabetes batay sa mga pag-aaral.

Read more...