Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang malinaw ay naiparating ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa Pilipinas at hindi sa Norway gaganapin ang peace talks
Sinabi pa ni Roque na wala rin siyang natatanggap na impormasyon mula kay Presidential Peace Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na payag nang bumiyahe ng Pilipinas si Sison para sa pagbabalik ng peace negotiation.
Si Dureza ay nasa Norway sa kasalukuyan at personal na ipinapaalam sa liderato ng CPP ang pinakahuling pasiya ng presidente tungkol sa peace talks.
Una rito, sinabi ni NDF Consultant Rey Casambre na uuwi ng bansa si Sison sa Agosto.