Dalawang miyembro ng crime syndicate sa Zamboanga Del Norte patay sa pananambang

Patay sa engkwentro ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang sindikato sa Siocon, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina Ali Lumiguis at Ato Lumiguis na myembro umano ng crime syndicate na “Isnain Lumiguis”.

Nakaengkwentro nila ang militar sa Barangay Malambuhangin.

Arestado naman ang dalawa pang myembro ng sindikato habang nakatakas ang tatlong iba pa.

Narekober sa mga napatay ang mga baril, bala at cellphone.

Read more...