Jail officer sa Talibon, Bohol patay sa pananambang

Patay sa pananambang ang isang jail officer sa Talibon, Bohol.

Kinilala ang biktima na si Jail Officer 2 Ricky Encila.

Ayon kay Supt. Reyman Tolentin, public information officer ng Police Regional Office Central Visayas, katatapos lamang ng duty ni Encila sa Talibon District Jail.

Pauwi na si Encila sakay ng motorsiklo sa Barangay Corazon sa bayan ng San Miguel nang buntutan siya ng riding-in-tandem.

Pagsapit sa Barangay Balintawak, pinagbabaril na ng supek ang jail officer.

Hindi pa tukoy ang motibo sa insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Read more...