Lalaki patay sa engkwentro sa mga pulis sa Las Piñas City

Las Pinas Police Photo

Patay ang isang lalaki makaraang maka-engkwentro ang mga nagpapatrulyang tauhan ng Las Piñas City police, Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Sr. Supt. Marion Balonglong, hepe ng Las Piñas police, nagsasagawa ng anti-criminality operations ang mga otoridad sa Camachile Dulo sa Barangay Almanza Uno nang mamataan ang hindi nakilalang suspek.

Hindi pa man sinisita at nilalapitan ng mga pulis, agad tumakbo ang suspek papalapit sa mobile patrol at saka pinaputukan ang mga operatiba.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa kaniya ang isang maliit na pakete ng pinatuyong dahoon ng marijuana at isang magnum .22 arminus revolver.

Read more...