Ikatlong disqualification case laban kay Senator Grace Poe, isinampa sa Comelec

grace-poe2Nagsampa ng disqualification case Commission on Elections (Comelec) si dating Senador Kit Tatad laban kay Senator Grace poe.

Ayon sa abogado ni Tatad na si Atty. Manuelito Luna, hindi natural-born Filipino si Poe at bigo din itong ma-meet ang requirement na 10-year residency para tumakbong senador o pangulo ng bansa.

Sinabi ni Luna na kung papabor ang Comelec sa kanilang petisyon na idisqualify si Poe ay tuluyan na itong hindi makakatakbo sa anumang public office.
Ang ginamit na grounds sa petisyon ni Tatad ay kahalintulad din ng mga ‘grounds’ na ginamit sa dalawang naunang petisyon sa Comelec laban kay Poe na isinampa nina Atty. Rizalito David at Atty. Estrella Elamparo.

Kaugnay nito, sinabi ng kampo ni Poe na iginagalang nila ang opinyon ni Tatad.

Pero ayon kay Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe, patuloy na ginagamitan ng ‘dirty tactics’ si Poe para hindi matuloy ang kaniyang presidential bid.
Sa kabila nito, sinabi ni Gatchalian na handa si Poe na harapin ang lahat ng uri ng harassment na ginagawa sa kaniya.

Kumpiyansa aniya ang kampo ng senador na mababasura lamang ang lahat ng isinasampang kaso dahil sa kawalan ng basehan.

Read more...