Mga sasakyang pandagat na stranded sa ilang pantalan, pinayagan nang maglayag

San Vicente Cabiao NE erwin 5
Cabiao, Nueva Ecija / Erwin Aguilon

Pinayagan nang maglayag ng Philippine Coast Guard ang mga stranded na sasakyang pandagat sa mga pantalan ng Cebu, Batangas at Albay.

Ito ay dahil sa pagganda ng panahon at mapayapa nang kondisyon ng karagatan sa nasabing mga lugar.

Ayon kay Commander Armand Balilo, inaasahan mababawasan na ang bilang ng mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan.

Ang mga sasakyan pandagat sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas ay papayagang maglayag sa sandaling alisin na ng PAGASA ang umiiral na gale warnings.

Alas 10:00 ng umaga ng Lunes, Oct. 19, sinabi ng Philippine Coast Guard na 6,203 ang bilang ng mga pasahero na stranded sa mga pantalan.

Kabilang dito ang 1,544 sa North Harbor sa Manila. Ang iba pang stranded na pasahero ay mula sa Iloilo City (963); Calapan, Oriental Mindoro (809; Romblon (191); Puerto Princesa City (160); Coron, Palawan (75); Sorsogon (58); Northern Quezon (56); Occidental Mindoro (50); Cuyo, Palawan (41); Camarines Sur (37); Masbate (21); Batangas City (14); Roxas City (12); Caticlan, Aklan (11); at Dumaguete City (9).

Read more...