Pangulong Duterte, tinatabangan na sa pagbibigay promosyon sa mga pulis at sundalo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nawawalan na siya ng gana sa pagbibigay promosyon sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa talumpati ng pangulo sa 81st anniversary ng Government Service Insurance System sa Pasay City, sinabi nito na napapagod na siya sa kakapirma sa mga appointment paper.

Kapag kasi aniya may namatay o may na-promote na isang opisyal, otomatikong aakyat ng ranggo ang ibang tauhan ng PNP at AFP.

Hinaing ng pangulo, tila wala ng katapusan ang kakapirma niya ng mga dokumento.

Kaya pabiro ng pangulo, kung anong ranggo mayroon ngayon ang mga pulis at sundalo ay hanggang doon na lamang hanggang sa magretiro sa serbisyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...