LPA at Southwest Monsoon magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

Mararanasan ang maulap na papawirin na may mahihina hanggang katamtamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas at Bicol Region bunsod ng buntot ng Low Pressure Area (LPA) malapit sa Camarines, Norte.

Batay sa 4am weather forecast ng PAGASA, namataan ang LPA sa layong 100 kilometro Silangan ng Daet, Camarines Norte.

Samantala, maulap na kalangitan din na may mahihina hanggang katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands bunsod naman ng Southwest Monsoon.

Ibinabala ng weather bureau ang pagbaha sa mga mabababang bahagi ng mga lugar na iiral ang habagat at trough ng LPA.

Katamtamang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na may posibilidad lamang ng pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...