Pangulong Duterte nanindigang hindi siya isang ‘chauvinist pig’

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya isang ‘chauvinist pig’.

Sa talumpati ng pangulo sa 81st anniversary ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay City, sinabi nito na hindi mababang uri sa kanyang paningin ang mga babae.

Gayunman, bagaman sinabi ng pangulo na hindi siya chauvinist pig, paulit-ulit naman nitong sinasabi na maraming empleyado ng GSIS ang magaganda.

Sa katunayan, sa kalagitnaan ng kanyang speech, tinanong niya ang isang babae kung papayag na kanyang maging girlfriend.

Pinanindigan din ng pangulo ang kanyang paghalik sa mga babae sa harap ng publiko.

Katwiran ng pangulo, naging ugali na niya ang manghalik ng mga babae, bata o matanda, may ngipin o wala at maging sa mga bakla.

Read more...