Bumbabatikos sa kampanyang linisin ang kalsada sa mga tambay sinabihang huwag makialam

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bumabatikos sa kampanya ng pulisya laban sa mga tambay sa lansangan.

Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng Government Service Insurance System (GSIS), sinabihan nito ang mga human rights advocates na huwag makialam sa kanyang polisiya.

Sinabihan din nito ang mga nagsusulong ng karapatang pantao na huwag siyang sabihan kung ano ang kanyang gagawin.

Binabatikos ang umigting na kampanya ng pulisya laban sa mga tambay dahil ilan umano ang basta na lamang hinuhuli nang walang basehan.

Pero sinabi ng pangulo na gaya ng ginawa niya sa Davao City ay nais niyang mawala na ang mga tambay para tahimik at wala ng peligro sa mga kalsada.

Read more...