Voter registration para sa May 2019 elections, itutuloy sa Hulyo

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na bubuksan nang muli ang voter registration para sa 2019 national elections sa Hulyo.

Sa isang pahayag sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang pagpaparehistro ay mula July 2 hanggang September 29.

Bubuksan ang lahat ng offices of elections officers (OEOs) mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado kabilang na ang mga araw ng holidays para tumanggap ng magpaparehistro.

Samantala, walang isasagawang voter registration sa Marawi City dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa lugar ayon kay Jimenez.

Magsasagawa rin ng satellite registration sa nasabing panahon kung saan tutungo ang field officials sa mga baranggay, public plaza, mga eskwelahan at iba pang pampublikong lugar para tumanggap ng magpaparehistro.

Read more...