Holdupper patay sa engkwentro sa Maynila

Nasawi ang isang holdupper habang nakatakas naman ang kanyang dalawang kasamahan matapos makaengkwentro ang mga otoridad sa Tondo, Maynila.

Sa ngayon ay hindi pa batid ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District, sakay ng isang van ang mga biktimang sina Abet Mendoza at Maximo Taya Jr. nang harangin ng isang motorsiklong lulan ng tatlong mga suspek.

Doon na nagdeklara ng holdup ang mga suspek.

Sa kasabay na panahon ay nagsasagawa naman ng surveillance ang mga pulis dahilan upang agad na tugisin ang mga holdupper.

Dito na nagkapalitan ng putok ang mga suspek at pulis, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng isa sa mga holdupper. Agad namang nakatas ang dalawang iba pa sakay ng kanilang motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad, partikular ang paghanap ng mga CCTV sa lugar upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek na magreresulta sa kanilang agarang pagkakaaresto.

Read more...