5 arestado sa magkahiwalay na buy bust operation sa Cavite at Quezon

Arestado ang lima katao matapos magkasa ng magkahiwalay ng drug buy bust operation ang mga pulis sa Dasmariñas, Cavite at Lucena, Quezon.

Unang naaresto sina Vinancio Galanida alyas Bina at Kent Julius Regodon alyas Patie sa Barangay Isabang sa Lucena.

Narekober mula sa dalawang drug suspek ang anim na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P25,000.

Samantala, timbog naman sina Lito Angcan alyas C2, Ricky Salmingo, at Leo Federico sa buy bust operation sa Barangay Salitran 3 sa Dasmariñas.

Anim na sachet rin na naglalaman ng shabu ang nakumpiska mula sa tatlo. Bukod pa ito sa dalawang gamit na sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang limang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...