Japan, China, at SoKor magsasagawa ulit ng summit ngayong taon

AP Photo

Nagpaplano na ngayon ang mga bansang China, Japan, at South Korea na magsagawa ng isang trilateral summit meeting.

Inaasahan na magaganap ang naturang pagpupulong ngayong taon.

Sakaling matuloy ang summit ay ito ang unang beses na magkakaroon ng dalawang pagpupulong ang tatlong mga bansa sa loob ng isang taon.

Naunang nagsagawa ng trilateral summit noong Mayo sa Tokyo, Japan.

Layon ng Japan na magkaroon ng mas matibay na relasyon sa China at South Korea upang makausad sa denuclearization ng North Korea.

Posible ring mapag-usapan ang economic cooperation sa rehiyon.

Mayroon ding posibilidad na tanggalin ng China at South Korea ang nakapataw na sanctions laban sa NoKor kasunod ng naganap na pagpupulong sa pagitan naman ng Estados Unidos at North Korea; ngunit hindi dito pabor si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Read more...