Sereno, itutuloy ang pagtatanggol sa batas kahit hindi na Chief Justice

Palabang ipinangako ng pinatalksik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na itutuloy niya ang pagtatanggol sa batas sa kabila ng pagpapatibay ng Korte Suprema sa kanyang quo warranto case.

Sa kanyang talumpati matapos pagtibayin ng Supreme court ang pagtanggal sa kanya, sinabi ni Sereno na hindi kailangan na maging punong mahistrado siya para idepensa ang konstitusyon.

Muli namang binatikos ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na anyay pinahina ang batas.

Dapat anyang tugunan ng Pangulo ang ilang isyu gaya ng West Philippine Sea, war on drugs at pederalismo.

Si Sereno ang unang Chief Justice na tinanggal sa pwesto sa pamamagitan ng quo warranto.

Read more...