Sa sulat kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, sinabi ng LTFRB na ang mga van, mini bus, coaster at bus lamang ang pwedeng maging school service.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang tricyle ay hindi kabilang sa uri ng mga sasakyan na pwedeng school transport service.
Binanggit ni Delgra na kapag naaksidente ang pasahero ng tricycle, hindi siya sakop ng mandatory comprehensive insurance na itinakda ng ahensya.
Una ng sinabi ng LTFRB na ihihiirit nila ang ban sa paggamit sa tricycle bilang school service.
Batay sa datos ng MMDA, halos 3,700 na aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng tricycle ang naitala noong nakaraang taon, 14 sa mga ito ay nagresulta sa pagkamatay.