Same sex marriage petition, pwedeng mabasura ayon sa SC Justices

Kuha ni Alvin Barcelona

Posibleng matalo ang petisyon ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community ukol sa same sex marriage dahil hindi umano pinaghandaan ang kaso at idinulog agad sa Korte Suprema.

Sa oral arguments sa petisyon na payagan ang same sex marriage sa Pilipinas, sinabi nina Associate Justices Lucas Bersamin at Francis Jardeleza na posibleng mabasura ang petisyon na inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III.

Inihain ni Falcis ang petisyon para matanggal ang pagbabawal sa same marriage sa bansa sa ilalim ng Family Code.

Pero sinabi nina Bersamin at Jardeleza na dapat ay sinunod ng abogado ang hierarchy of courts sa pamamagitan ng pagdulog sa kaso sa regional trial court muna.

Samantala, kinuwestyon ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ang halaga ng petisyon dahil hindi naman anya sinabi ni Falcis na nalabag ang kanyang karapatan dahil sa pagbabawal sa same sex marriage.

Tinapos ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang proceedings at itinakda ang sunod na oral arguments sa June 26.

Read more...