Ngunit sinabi ni Trillanes na kalahati ng Senado ang haharang para hindi masunod ang plano ni Duterte na maglagay ng isang malupit na rehimen.
Ikinatuwiran naman ni Sen. Kiko Pangilinan na ang mali sa pangyayari ay ang mga nag-akusa ay sila din ang naghusga.
Aniya nawala ang prinisipyo ng pagiging patas sa naging hakbang ng mayorya ng mga mahistrado laban kay Sereno.
Pagtitiyak din ni Pangilinan, presidene ng Partido Liberal, na hindi pa tapos ang laban dahil marami ang maninindigan na protektahan ang batayang prinsipyo ng katarungan.
Samantala, naninindigan naman si Sen. Joel Villanueva na ang tamang paraan para mapaalis si Sereno ay sa pamamagitan ng impeachment process at ito aniya ang nakasaad sa Saligang Batas.
Bagamat naninindigan din si Sen. JV Ejercito na tanging ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tanging may kapangyarihan na magpatalsik ng mga impeachable officials, kailangan din sundin ang batas at irespeto ang naging desisyon ng Korte Suprema.