Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Surigao del Sur, Martes ng hapon.
Batay sa inilabas ng impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometers North ng bayan ng Corles.
Tumama ang lindol dakong 3:27 ng hapon.
Tectonic naman ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 15 kilometers.
Bunsod ng pagyanig, wala namang napaulat na pinsala at inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES