Pilipinas, China parehong kontrolado ang Scarborough Shoal – DFA

Inquirer file photo

Pareho umanong kontrolado ng Pilipinas at China ang Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang Pilipinas ngayon ay may co-control na sa naturang bahura.

Ibig-sabihin umano nito ay parehong pwedeng mangisda ang mga Pinoy at Chinese sa nasabing teritoryo dahil mayroong tentative agreement ang dalawang bansa.

Nang umupo aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto, ang Panatag Shoal ay kontrolado lang ng China.

Pero dahil kontrolado na rin ng bansa ang bahura, malaya na ang mga Pilipino na makapunta sa lugar at mangisda.

Pahayag ito ni Cayetano kasunod ng pagkuha umano ng Chinese Coast Guard sa huling mga isda ng mga Pinoy sa Panatag Shoal na ayon naman sa pangulo ay isang barter at hindi lamang nagka-intindihan ang magkabilang-panig ukol sa halaga ng kanilang mga produkto.

Read more...