NFA rice mula Vietnam, ibebenta na sa Central Luzon at Cagayan ngayong linggo

Inquirer file photo

Pwede nang magbenta ng NFA rice sa Central Luzon at Cagayan sa linggong ito.

Sinimulan na ng NFA ang unloading ng 220,000 bags ng mga bigas mula Vietnam na dumating sa Subic Bay Freeport noong June 5.

Ayon kay NFA spokesman Rex Estoperez, ang murang imported rice ay mabibili sa halagang P27 hanggang P35 kada kilo.

Magsisimula na ang pagbebenta ng bigas ng NFA sa linggong ito o sa susunod na linggo.

Nasa 12,000 bags na naglalaman ng 50 kilo ng bigas kada bag ang naibaba na mula sa barko na dumaong sa naturang freeport.

Sinabi ng NFA na ang pag-uulan ang naka-delay sa unloading at delivery ng mga stock sa kanilang mga warehouse sa Central Luzon at Cagayan.

Read more...