Resulta ng imbestigasyon ng DOH sa P8.1 Barangay Health Station Project hinhintay ng Malakanyang

Radyo Inquirer File Photo

Hinihintay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng Department of Health (DOH) sa maanomalyang P8.1 billion na Barangay Health Station Project na ikinasa noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, hindi makikialam ang Malakanyang sa naturang imbestigasyon.

Ayon sa opisyal, maganda ang layunin ng pagpapatupad ng nasabing proyekto subalit kailangan anyang matiyak na hindi nasasayang ang pera ng bayan sa mga maanomalyang proyekto.

Nasa 5,700 na health barangay station ang pinaglaanan ng higit walong bilyong pisong budget subalit nabatid na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang nasabing proyekto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...