Dagdag pa ni Hontiveros, matapang lang ang pangulo sa mga mahihirap, walang trabaho at mga istambay pero bahag ang buntot sa China kayat hindi mapaalis ang mga nakatambay sa Panatag Shoal.
Reaksyon ito ng senadora kaugnay sa maling pag-aresto at pagkulong sa isang grupo ng mga magkakaibigan na inakalang mga tambay ngunit naghihintay lang sa labas ng bahay ng isang kaibigan sa Makati City.
Iginiit din nito na bilang abogado dahil alam ni Pangulong Duterte na wala ng batas ukol sa bagansiya na ginagamit sa mga tambay sa kalsada kaya’t ang utos nito na hulihin ang lahat ng mga istambay ay paglabag sa Saligang Batas.
Ayon pa kay Hontiveros may posibilidad na maabuso ang utos ng pangulo at aniya ang tunay na solusyon sa krimen ay maayos na pagta-trabaho ng mga pulis at pagkakaroon ng trabaho.