Hindi lalagpas sa 34 inches na sukat ng baywang mahigpit na ipatutupad sa mga pulis sa EPD

Marikina City Police Photo

Mahigpit ang paalala ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) sa mga tauhan nito hinggil sa pagpapanatili ng 34 inches na sukat ng kanilang baywang.

Sa inspeksyon na isinagawa ng bagong district director ng EPD na si Chief Supt. Alfred Corpus, pinaalalahanan nito ang mga pulis sa maximum wastline na 34 inches.

Kabilang sa mga sorpresang binista ni Corpus ang limang Police Community Precincts sa San Juan.

Maliban sa waistline, pinaalalahanan din ni Corpus ang mga pulis sa pagsusuot ng tamang uniporme at kalinisan.

Kaugnay naman ng direktiba ng bagong EPD director, isinailalim sa body mass index examination ang mga tauhan ng Marikina City Police Station.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...