Babae nasagasaan ng tren sa Maynila

Patay ang isang babae matapos masagasaan at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways(PNR) sa Perlita St., San Andres, Manila pasado alas 6:00 umaga ng Martes.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO2 Rey Rabut na nakaladkad ng tren 15 hanggang 20 metro ang babaeng biktima.

Hindi na halos makilala ang labi ng biktima dahil sa kalunos-lunos na sinapit nito.

Nakasuot ng kulay gray na T-shirt at dilaw na short pants ang biktima.

Ayon kay PO2 Rabut, tinatayang 16 na taong gulang pataas ang edad ng biktima.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa barangay na nakakasakop sa pinangyarihan ng aksidente upang makapangalap ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan ng biktima.

Gayundin kung may CCTV footage bago pumasok at maglakad sa riles ang babae.

Makailang ulit umanong tinawagan ng pansin ang babae pero tila wala ito sa katinuan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...