Sa bagong reference ng WHO, inilarawan nito ang digital at video gaming addiction bilang pattern ng “persistent o recurrent gaming behavior” na maaring makaapekto sa buhay ng isang tao.
Sa ilalabas na bago at updated na edisyon ng International Classification of Diseases (ICD), ay isasama na sa listahan ang “gaming disorder”.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisasama sa ICD ang gaming addiction, sa kabila nang may mga bansa na ang tinukoy ito bilang major public health issue.
Sa United Kingdom, binanggit na noon na ang pagiging adik sa games ay banta sa kalusugan ng publiko.
Ang ICD ay naglalaman ng guide para sa mga sakit, kasama ang senyales at sintomas ng mga ito at ginagamit ito ng mga duktor sa pag-diagnose sa sakit.
Sa ICD-11 na nakatakda pa lamang ilabas maituturing na mayroong “gaming disorder” ang isang tao kung nakararanas ng sumusunod na sintomas:
• Mahirap nang kontrolin sa paglalaro
• Pagtaas ng prayoridad o pagbibigay ng mas mahabang oras sa paglalaro
• Pagtuloy sa paglalaro sa kabila ng mga negatibong epekto