Bodega tinupok ng apoy sa Valenzuela City

Tinupok ng apoy ang isang bodega sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Nagsimula ang sunog alas 5:56 ng umaga ng Martes sa bahagi ng Germoso Street sa nasabing Barangay.

Ayon sa Valenzuela City Central Fire, ang nasunog na bodega ay nasa likurang bahagi ng 3s Dalandanan.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog bago naideklarang under control alas 6:58 ng umaga.

Wala naman nang ibang nadamay pa sa nasabing sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...