LOOK: Apat na pulis sa Pasig City huling natutulog sa kanilang mga opisina

Photo from Pasig City Police

Huli sa aktong natutulog ang apat na pulis sa Pasig City habang sila ay naka-duty.

Ito ay matapos na maaktuhan sila ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Orlando Yebra na pawang tulog sa kani-kanilang binabantayang istasyon ng pulis.

Kinilala ang mga pulis na sina SPO1 Ricardo Allapitan, SPO1 Rustom Valdez; PO3 Higino Dancel at PO2 Apolo Labrador na pawang nahuling natutulog sa loob ng Pasig CPS investigation Section and Traffic Section.

Maliban sa apat na tulog na pulis, dalawang pulis naman na dapat ay naka-duty ang hindi nadatnan ni Yebra sa kanilang mga tanggapan.

Ito ay sina PO2 Danilo Damasco at PO2 Patrick Baldemor na iniwan ang kanilang pwesto.

Ang anim na pulis ay nakatakdang sampahan ng administrative case.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...