Kaligtasan ng mga residente sa Lanao Del Sur, tiniyak ng Malakanyang kasunod ng panggugulo ng natitirang miyembro ng Maute

Pinakakalama ng Malakanyang ang mga residente sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tinutugunan na ng Armed Forces of the Philippines (AF) ang Maute group at ang iba pang mga kalaban ng pamahalaan na nanggugulo sa Lanao Del Sur.

Aminado si Roque na may mga kalaban pa ngayon ang pamahalaan kung kaya patuloy na umiiral ang martial law sa Mindanao.

Patunay aniya ito na may successor ang Maute group at nagkaroon ng kapabilidad na makipagputukan na naman sa mga sundalo.

Gayunman, sinabi ni Roque na hindi dapat na mabahala ang publiko dahil kakaunti na lamang ang puwersa ng mga kalaban.

Hindi aniya masisiguro ng pamahalaan na wala nang kalaban sa Lanao Del Sur pero nakahanda naman ang hukbong sandatahan na protektahan ang mga sibilyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...