Tatlong drug suspects arestado sa Marikina City

Marikina City Police

Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Marikina City.

Isinagawa ang buy-bust sa Bonanza Phase 2, Barangay Fortune alas 12:15 ng madaling araw ng Martes.

Nadakip sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Ricky Paderna, Laurence Liarenas at Romeo Canete.

Nasamsam mula sa kanila ang pitong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, P1,500 na case na ginamit na buy bust money, isang 38 caliber revolver, 12 piraso ng bala, at P19,000 na cash.

Isasailalim sa drug test sa Crime Laboratory ng Eastern Police District ang tatlo at sasampahan ng karampatang kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...