Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.6 na lindol sa 198 kilometers South sa bayan ng Sarangani alas 4:24 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at 2 kilometers lang ang lalim.
Sinundan naman ito ng ikalawang lindol na 3.1 ang magnitude.
Naitala ang ikalawang pagyanig sa 7 kilometers South ng bayan ng Cateel alas 4:45 ng umaga.
May lalim naman itong 102 kilometers at tectonic din ang dahilan.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock ang dalawang lindol.
Kaninang ala 1:16 ng madaling araw, nakapagtala din ng magnitude 3.8 na lindol ang Phivolcs sa 381 kilometers South ng Sarangani.
MOST READ
LATEST STORIES