Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng Department of Foreign Affairs, sinabi nito na ang problema lang kasi ay hindi nagkaintindihan sa valuation.
Hindi aniya outright seizure o direktang pagkuha ng mga isda ang ginawa ng Chinese coast guard sa mga mangingisdang Pinoy. Matatandaang umangal ang mga Pilipinong magingisda sa pagkuha ng Chinese coast guard sa mga nahuli nilang magagandang isda kapalit ang sigarilyo, noodles at tubig.
Bukod dito sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na fish thievery, pangingikil at pangongotong ang ginawa ng Chinse coast guard sa mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough shoal pero itinuring naman itong barter o kalakalan ng pangulo.