Pangulong Duterte, iginiit na dapat unahin ang mga katutubo at marginalized sector sa Boracay

Inquirer file photo

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat unauhin ang kapakanan ng mga katutubo at marginalized sector sa isla ng Boracay.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Department of Foreign Affairs, dinepensahan ng pangulong ang naging pahayag nitong ibenta sa mga negosyante ang makukuhang lupa ng mga potensyal na benepisyaryo ng planong land reform sa Boracay.

Sa paraang ito aniya ay posibleng maging milyonaryo ang mga makikinabang sa land reform sa Boracay.

Katwiran pa ng pangulo, mabuti na kahit pansamantala ay nakahawak ang mga ito ng pera mula sa pagbebentahan ng lupa.

Giit ng pangulo, okay lang sa kanya kung ibenta ng tenant pabalik sa landlord ang lupa makalipas ang lima o sampung taon na kanila ang lupa dahil kahit paano ay nakahawak sila ng pera.

Hindi lang aniya sa Boracay ang plano kundi sa buong Pilipinas at hanggang siya ang pangulo ay uunahin niyang ibigay ang mga lupa sa mga katutubo.

Read more...