5 patay sa pagbagsak ng eroplano sa Madagascar

Nasawi ang limang pasahero matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa Antananarivo, Madagascar.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Madagascar Civil Aviation na isang Piper PA 31 aircraft na pinalipad ng Madagascar Trans Air ang bumagsak sa western suburbs ng Antananarivo.

Ayon pa sa mga otoridad, nasa training flight lamang ang naturang eroplano nang ito ay bumagsak.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Civil Aviation Accident and Incident Investigation Bureau upang malaman ang sanhi ng aksidente.

Read more...