Suspek sa pananaksak sa Pasig City, arestado na

Nasa kustodiya na ng Pasig City Police ang suspek sa pananaksak sa isang construction worker sa Barangay Pinagbuhayan, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Erwel Naranjo, 26 na taong gulang na residente sa Barangay Palatiw. Mismong ang ina ng suspek ang nagsuplong sa kanya sa mga otoridad.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, isinanla ni Naranjo ang kanyang cellphone sa halagang P200 at pinagtawanan ito ng kanyang kaibigang si Darius Gamboa, na ikinagalit ni Naranjo.

Dahilan ito upang saksakin niya si Gamboa sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod pa sa Pasig City General Hospital ang biktima ngunit idinekalara itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga pulis ang kasong isasampa laban kay Naranjo.

Read more...