Pinakakalma ng Malacañang ang publiko sa panibagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police na higpitan ang pagbabantay sa mga tambay.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi magagamit ang utos ng pangulo labam sa mga tambay para sikilan ang karapatan na gumala.
Sinabi pa ni Roque na mayroon ding legal na remedyo ang mga naaresto kung sa tingin nila ay umabuso ang mga pulis.
Ayon kay Roque, maari namang maghain ng writ of habeas corpus o writ of amparo.
Sinabi pa ni Roque na nakasaad din sa Bill of Rights na kapag walang basehan ang pag-aresto ay maari namang dumulog sa hukuman.
“Bilang remedy, meron naman tayong existing remedy na pupuwedeng gamitin na mabilisan, iyong habeas corpus po mabilisan iyan. So, hindi po po tayo nauubusan din ng legal remedies to deal with those who will act in excess of authority”, paliwanag pa ni Roque.