Pagbagsak ng ekonomiya dahil sa inflation ibinabala sa Kamara

Nagbabala ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa si Assistant Majority Leader Michael Romero kung mananatili ang mataas na inflation rate.

Ayon kay Romero, malabo na mangyari ang pagtaya ng World Bank na 6.7% Gross Domestic Product Growth ngayong taon kung mananatili sa 4% to 5% ang inflation rate.

Sa tantya ng mambabatas, maglalaro sa 1.7% hanggang 2.7% ang GDP ng bansa kung magpapatuloy ang inflation.

Kailangan aniyang maibalik ng gobyerno sa plus/minus 3.0% ang inflation target upang makamit ang mataas na GDP.

Dahil dito inirekomenda ng mambabatas na upang maibaba ang inflation rate ay dapat alisin ang ilan sa mga probisyon ng TRAIN Law.

Kailangan din anyang kumbinsihin ang mga bangko na itaas ang interest rates sa savings, at bawasan ang mga bayarin at padaliin ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa upang maraming mahikayat na lokal at dayuhang mamumuhunan.

Read more...