Malacañang respetado ang desisyon ng DOJ sa kaso ni Sister Patricia Fox

Iginagalang ng Malacañang ang naging desisyon ng Department of Justice nang baliktarin nito ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na nagkakansela sa visa ni Australian missionary Sister Patrica Fox.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya na ang DOJ at nirerespeto ito ng palasyo.

Matatandaang ipinadedeport na ng Bureau of Immigration si Fox dahil sa pagdalo nito sa mga political rally laban sa gobyerno.

Dalawampu’t pitong taon nang naninirahan si Sister Fox sa bansa bilang isang misyonaryo.

Kanina ay sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na bagaman tungkulin ng Bureau of Immigration na ipatupad ang mga batas ay naging labis ang ipinataw nitong parusa kay Fox.

Read more...