Malacañang: Military offensive laban sa CPP-NPA tuloy

Inquirer file photo

Nilinaw ng Malacañang na walang stand down order o walang utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines na itigil ang opensiba laban sa rebeldeng grupo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison nagsimula ang ulat na mayroong stand down sa June 21 at magreresume ang peace talks sa June 28.

Pero ayon kay Roque maari namang irekonsidera ni Pangulong Duterte ang stand down order kapag umusad muli ang usaping pangkapayapaan.

Tuloy din aniya ang demand ng pangulo sa rebeldeng grupo na itigil ang pangongolekta ng revolutionary tax at itigil ang putukan.

Sinusuri na aniya ngayon ng Malacañang ang inilabas na dokumento ni Sison na may napagkasunduang stand down order ang magkabilang panig.

Noong isang linggo ay sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jess Dureza na muling ipinagpaliban ang pagpapatuloy ng peace talks sa rebeldeng grupo dahil kinakailangan pa umanong kunsultahin ang publiko sa nasabing isyu.

Read more...