Ayon kay Go, malinaw sa kanyang pahayag sa press conference sa Davao City na puro dada si Trillanes, at puro ballpen ang hanap niya dahil sa paggigiit nito ng waiver.
“Sabi ko tapusin muna natin itong inumpisahan mo… mano mano ito, one on one, walang kasamang amo, kaya lang waiver na naman sinasabi mo, old issue na yang ang waiver na yan”, ayon pa sa kalihim.
Sa kabila nito, inulit ni Go ang hamon nito sa senador na mag one-on-one sila sa anumang paraan.
Dagdag pa ni Go, “kahit nga ano puntahan kita, kahit san ka puntahan kita”.
Una nang lumutang ang mga balita na hinahamon ni Go ng magsaksakan sila ng ballpen ni Trillanes pero malinaw aniya sa bahagi ng kanyang pahayag sa media na walang ganitong paghahamon.
“Tanggapin muna ni Trillanes ang hamon ko sa kanya, kesa dada siya ng dada, ang hamon ko sayo one-on-one, sa tagalog mano-mano, walang kasamang amo at baka lalo maduwag kahit saang kampo hintayin kita ballpen lang pala gusto mo, waiver na naman o saksakan ng ballpen ito”, paliwanag pa ni Go.
Pumunta ng Department of Agrarian Reform program si Go para dumalo ng pagdiriwang 30 taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).