PNP Chief pumalag sa paratang na fall guy ang hinuling suspek sa Father Nilo case

Inquirer file photo

Itinanggi ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde na “fall guy” ang inarestong pangunahing suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo.

Ipinahayag ni Albayalde na nasaksihan ng altar boy na si Adell Roll Milano ang bumaril kay Nilo habang naghahanda para magmisa sa Barangay Mayamot chapel sa Zaragosa, Nueva Ecija.

Ayon kay Albayalde, tatlong beses kinilala ng testigo ang asuspek sa rogue gallery at umiyak pa nang makita ang litrato ng gunman.

Tiniyak ng PNP Chief na hindi nila minadali ang kaso nang dahil lamang sa public pressure.

Noong nakaraang linggo, iginiit ng mga kaibigan ni Milano na nag-iinuman sila nang naganap ang insidente.

Samantala, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso ang National Bureau of Investigation.

Pero nilinaw ng kalihim na mananatiling ang PNP ang lead agency sa kaso.

Read more...