Yumanig ang magnitude 5.3 na lindol sa kanlurang bahagi ng Kapan kaninang umaga.
Naitala ng United States Geological Survey ang lindol malapit sa Osaka kaninang 7:58.
May lalim na 15.4 kilometro ang lindol.
Ayon sa mga opisyal, wala namang agad na naiulat na pinsala ang pagyanig at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng tsunami.
Gayunman, nawalan ng kuryente ang libu-libong kabahayan at nasuspinde ang operasyon ng tren sa kasagsagan ng rush hour.
MOST READ
LATEST STORIES