Pagsasabatas ng Mental Health Bill, pinamamadali ni Deputy Speaker Quimbo

Isinusulong ni Deputy Speaker at Marikina Rep. Miro Quimbo ang agarang pagsasabatas sa Mental Health Bill.

Ito ay kasunod ng dumaraming mga Pilipino na dumaranas ng mental illness na sinundan pa ng pagpapakamatay ng mga kilalang personalidad katulad ng fashion icon na si Kate Spade at American celebrity Chef Anthony Bourdain.

Base anya sa datos ng DOH, lumalabas na isa sa limang adults at isa sa sampung mga kabataan ang nakakaranas ng mental health problems.

Sinabi nito na bukod sa suporta at pagpapakalat ng awareness tungkol dito, higit na kailangan ng mga Pilipinong may mental health problems ang pagkakaroon ng kongkretong aksyon mula sa gobyerno.

Ang kawalan anya ng suporta at programa para sa mental health at ang stigma mula sa pamayanan ay lalong nagpapahirap sa mga may ganitong karamdaman.

Umaasa naman ang mambabatas na makikita ng Malacañang ang kahalagahan ng Mental Health Act at agad itong aaprubahan upang maging ganap na batas.

Read more...